DOJ magsusumite kay PRRD ng 52 killing report sa war on drugs ops

DOJ magsusumite kay PRRD ng 52 killing report sa war on drugs ops

August 30, 2021 @ 7:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Magsusumite ang Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng report sa pagsasagawa ng 52 kaso ng pagpatay na naganap sa anti-illegal drugs operations.

Ayon kay Justice Secretary Menardo I. Guevarra, tinapos na ng DOJ ang pagsasagawa ng rebyu sa kaso na isinumite ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS).

“We are submitting a report to the President this week regarding the findings of the DOJ on the 52 cases of drug deaths turned over to us by the PNP. The report will include our recommendations.”

Inimbestigahan na ng PNP-IAS ang 6,000 anti-illegal drugs operations na may naganap na pagpatay mula pa taong 2016. RNT/FGDC