DOJ magsusumite ng drug war data sa ICC

DOJ magsusumite ng drug war data sa ICC

August 25, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magsusumite ang Pilipinas ng datos sa war on drugs sa International Criminal Court.

Ito ay matapos na panindigan ng gobyerno na hindi na ito maging kaisa sa ICC at Rome Statue.

Sa paglilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Miyerkules, sinabi niya na ang nasabing hakbang ay isang pagpapakita lang ng kagandahang-loob.

Sa panayam sa Kapihan sa Maynila forum, iginiit ni Remulla na ang hakbang ay hindi rin dapat ikonsidera ng ICC na pagsunod ng Pilipinas sa hiling nito, dahil gumagana ang criminal justice system ng bansa.

“We are currently investigating these crimes. Our judicial system is working. And that is the most important thing that is there. As I said, the American (lawmakers) went to court to ask for permission to visit (former) Sen. (Leila) de Lima, which was granted by the court. It just shows that the court really determines the action of people where they are merited or not,” ani Remulla.

Ang tinutukoy ni Remulla ay ang delegasyon ng US sa pangunguna ni Senator Edward Markey na humiling kamakailan sa Muntinlupa City regional trial court na payagan silang bisitahin ang nakakulong na dating senador.

“They have done that in Somalia, they have done that in Sudan, in countries with no rule of law. Hindi naman tayo ganun. We have an existing justice system that is characterized by our rule of law so if the decision is to pull out from the ICC so be it we will just determine the responsibility of people through our own means,” ani Remulla.

“As I said before, we are doing everything as a matter of comity, friendship, respect among nations among unilateral agencies. We are not submitting anything as a matter of compliance, and we are not members of the ICC anymore. We have withdrawn from the Rome Statute and there is no compulsive process for them to go into the country and start investigating anything,” dagdag pa ng Justice Secretary.

Nauna nang hiniling ni Prosecutor Karim Khan sa ICC Pre-Trial Chamber I sa isang 53-pahinang aplikasyon, na pahintulutan ang pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon sa anti-narcotics campaign ng gobyerno ng Pilipinas na nagresulta sa libu-libong pagkamatay. RNT