DOJ nag-isyu ng lookout bulletin para kina Bantag, Zulueta

DOJ nag-isyu ng lookout bulletin para kina Bantag, Zulueta

December 20, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Department of Justice ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kina suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta, ang dalawnag itinuturong masterminds sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.

Subalit, sinabi ng DOJ na ang lookout bulletin ay para sa “monitoring purposes only.”

“[I]t is not, in and of itself, a sufficient prohibition for a subject’s departure from the Philippines,” anito.

Base sa DOJ, may posibilidad na umalis ng bansa sina Bantag at Zulueta.

“Considering the gravity of the offense charged in the criminal complaints, there is a strong possibility that respondents may attempt to place themselves beyond the reach of the legal process by leaving the country,” saad sa memorandum.

“Thus, this Department deems the issuances of an ILBO against the above-subject individuals prudent in order to at least monitor the itineraries of their flight travel, and/ or whereabouts,” dagdag nito/

Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na ikinasa ang lookout bulletin order wnoong Disyembre 9.

Kapwa nahaharap sina Bantag at Zulueta sa dalawang reklamo ng murder  sa pagpatay kina Lapid at Villamor. Mariin naman nilang itinanggi ang akusasyon laban sa kanila.

Pinatay sa pamamaril si Lapid sa Las Piñas City noong Oktubre 3 habang namatay si Villamor sa New Bilibid Prison.

Batay sa autopsy ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, ang mga labi ni Villamor ay nakitaan ng “history of asphyxia by plastic bag suffocation.” RNT/SA