DOJ nagpaalala sa PNP na makipag-ugnayan muna sa PDEA bago ang anti-drug ops

DOJ nagpaalala sa PNP na makipag-ugnayan muna sa PDEA bago ang anti-drug ops

February 25, 2021 @ 6:28 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Justice Undersecretary Adrian Sugay ang Philippine National Police na makipag-ugnayan muna sa Philippine Drug Enforcement Agency bago magkasa ng buy-bust operation.

“Bago magkaroon ng anti-illegal drug operations na katulad ng nangyari kahapon, dapat ang pulis normally through drug enforcement unit kumukuha muna o nagsusumite ng PDEA coordination form,” ani Sugay sa isang panayam sa radyo.

“But ‘yung coordination na ito puwede even after ‘yung operation. May mga desisyon ang Korte Suprema diyan,” dagdag nito.

Ngunit aniya dapat makipag-ugnayan muna ang PNP sa PDEA bago simulan ang operasyon bilang pagtalima sa standard operating procedures.

Sa ilalim ng Republic Act 9165 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang PDEA ang mangunguna sa anomang operasyon kontra iligal na droga.

Batay sa Section 86, “The Narcotics Group of the PNP, the Narcotics Division of the NBI and the Customs Narcotics Interdiction Unit are hereby abolished; however they shall continue with the performance of their task as detail service with the PDEA.”

“[W]hen the investigation being conducted by the NBI, PNP or any ad hoc anti-drug task force is found to be a violation of any of the provisions of this Act, the PDEA shall be the lead agency.”

Ayon sa isang ulat, nakipag-ugnayan ang Quezon City Police District (QCPD) sa PDEA ukol sa gagawing buy-bust operation nitong Pebrero 23.

Naglabas naman ng certificate of coordination ang PDEA na pinalawig hanggang Pebrero 25 dahil 24 oras lang itong may bisa.

Dalawa sa tatlong nasawi ay mula sa hanay ng pulisya sa naganap na umano’y “misencounter.”

Nagkasa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang DOJ sa insidente. RNT/ELM


  •  
  •  
  •