DOJ nagpaliwanag sa ‘di pinayagang bisita ni De Lima

DOJ nagpaliwanag sa ‘di pinayagang bisita ni De Lima

August 30, 2022 @ 10:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) ukol sa mga hinarang na mga bisita ng nakakulong na si dating senador Leila de Lima noong kanyang kaarawan.

Ayon sa DOJ, kailangang kumuha ng permiso sa korte upang payagan ang mga bisita para payagang makabisita sa kanya.

“Dahil nasa korte ang usapin, dapat may court order to visit,” ani DOJ spokesperson Atty. Sinabi ni Mico Clavano sa mga mamamahayag.

Giit ni Clavano na maging ang mga Amerikanong mambabatas na nauna nang dumalaw kay De Lima ay humirit din ng pagpayag sa korte bago mapayagang dumalaw kay De Lima.

“Similar to US Senator (Edward) Markey, they were denied at first but were granted visitation rights the day after they filed the motion,” ani Clavano. “The courts are efficient. (The) PNP (Philippine National Police) is merely following protocol.”

Matatandaang hindi pinayagang bumisita ang grupo ng mga well-wishers kabilang sina dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, Senator Risa Hontiveros, at Albay Representative Edcel Lagman, sa kaarawan ni De Lima. RNT