DOJ nakatanggap ng tip sa posibleng assassination plot vs. BBM

DOJ nakatanggap ng tip sa posibleng assassination plot vs. BBM

January 30, 2022 @ 2:18 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ), Linggo, na nakatanggap umano ang Office of Cybercrime (OOC) ng isang online tip tungkol sa planong asasinasyon laban kay dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Justice Secretary Menardo Guevarra mismo ang nagkumpirma rin ng nasabing ulat sa GMA News Online, pero iginiit niya na bineberipika pa ang nasabing tip.

“The OOC has already requested the preservation of the suspect account. The DOJ, on the other hand, has directed the NBI (National Bureau of investigation) to validate the tip. Pending verification,” anang Justice Secretary.

“We are keeping other details confidential for security reasons,” giit pa niya.

Sa kampo naman ni Marcos, sinabi nila na ang nasabing tip na natanggap ng OOC ay mula sa isang TikTok post na may nakalagay na “WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready.”

Base naman sa impormasyon mula sa OOC, sinabi ng kampo ni Marcos na si DOJ-OOC officer-in-charge lawyer Charito Zamora ay nagpadala na ng liham sa  Law Enforcement Outreach Trust and Safety ng TikTok.

Dito hiniling ni Zamora na pangalagaan ang “data related to the subject account while the Philippine authorities are working on the legal process for its disclosure.”

Sa hiwalay naman na mensahe ni Guevarra sa mga reporter, sinabi niya na ang OCC ay kumilos “immediately in view of the serious nature of the information received.”

“The NBI will give priority attention to any validated information pertaining to a threat to the personal security of any presidential aspirant,” giit pa niya.

Pinuri naman ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff ni Marcos, ang OOC para s amabilis at “uncompromising response to uncover those behind this open threat to harm” Marcos.

Iginiit niya naman na hindi sila natatakot sa nasabing banta.

“While the report on the assassination plot is concerning, we are not cowered by such threat. Bongbong shall continue to personally deliver his message around the country with firm resolve to unify the nation,” dagdag pa ni Rodriguez. RNT