DOJ ‘no comment’ sa parusa ng US vs Quiboloy

DOJ ‘no comment’ sa parusa ng US vs Quiboloy

December 11, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tikom pa ang bibig ng Department of Justice (DOJ) sa ipinataw na sanctions ng Estados Unidos kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaugnay sa mga kasong katiwalian at human rights abuses.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano masyado pang maaga o “pre-mature” para magkomento ang kagawaran sa naturang isyu.

Hindi pa aniya natatalakay ng DOJ ang lahat ng impormasyon kaugnay sa ipinataw na sanctions laban kay Quiboloy.

Sinabi ni Clavano na kailangan pa humingi ng legal experts’ advice ang DOJ bago magsagawa ng anumang hakbang.

Nilinaw naman ng ahensya na suportado nito ang naging hakbang ng US Treasury upang maprotektahan ang karapatan pantao at labanan ang corrupt practices.

Una nang inakusahan ng US Treasury si Quiboloy na nakagawa ng human rights abuses at paulit ulit umanong nanggahasa ng mga batang babae edad 11 anyos. Teresa Tavares