DOJ: Paglikha ng independent commission na bubusisi sa drug war, ‘di kailangan  

DOJ: Paglikha ng independent commission na bubusisi sa drug war, ‘di kailangan  

March 18, 2023 @ 11:34 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Walang nakikitang pangangailangan ang Department of Justice para lumikha ng independent body na mag-iimbestiga sa Duterte drug war, at sinabing ang lokal na awtoridad na ang bahala rito.

“That was mentioned to me but I don’t like that idea. We are here, we are competent, we are capable, we are working, the system is running. What will the commission do? There’s no value,” giit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes.

“Marami na nag-suggest sa akin. I always look upon it without any positive view because I’ve seen these commissions work before and they never really did a good thing,” dagdag niya.

Kamakailan ay hiniling ng Philippine government recently sa International Criminal Court (ICC) na baligtarin ang desisyon nito na pumaoayag sa pagbuhay sa imbestigasyon sa anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil gumugulong na umano ang local investigations.

Sa termino ni Duterte, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency na mahigit 6,200 indibidwal ang napatay sa anti-drug operations.

Subalit, sa pagtataya ng local at international human rights organizations, mas marami ito na maaaring nasa 12,000 hanggang 30,000. RNT/SA