DOJ ‘right track’ vs human trafficking – Hontiveros

DOJ ‘right track’ vs human trafficking – Hontiveros

December 3, 2022 @ 1:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes, Disyembre 2 na ang Department of Justice ay maayos na nakaposisyon upang siyasatin ang hinihinalang insidente ng human trafficking sa mga Filipino na kasali sa cryptocurrency scam sa Myanmar.

“This is of course very welcome as we really have to address the problem of trafficking on all fronts. As the lead convenor of the IACAT, the DOJ is well-positioned to look into this particular case of Pinoys being victimized into participating in scamming activities in Myanmar,” sinabi ni Hontiveros sa isang pahayag.

Ayon sa Senador, hindi na bago para sa NBI at Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na magtulungan upang tugunan ang isyu ng human trafficking.

“Dati na nating nakatrabaho ang NBI pagdating sa paglalantad ng mga taong sangkot sa “pastillas scam”. Kaya umaasa akong magiging mabunga rin ang pagtutulungan ng ahensya at ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa pagsugpo dito sa bagong modus ng human trafficking.” aniya.

“We cannot allow or afford the social and psychological consequences of lax border management, trafficking, and traumatic events endured by our OFWs,” dagdag pa ni Hontiveros.

Nauna nang ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa NBI na imbestigahan ang mga pekeng airport employees at mga sangkot na opisyal ng Bureau of Immigration na di-umano ay kasabwat sa trafficking ng mga Filipino workers na nakabahagi sa naturang cryptocurrenct investment scam.

Ang ulat ay lumitaw nang mahuli ng mga awtoridad sa paliparan ang tatlong biktima nitong Nobyembre na naiulat na gumamit ng pekeng airport access passes o nagpapanggap na mga empleyado ng iba’t ibang airport concessionaires para makapasok sa boarding gate.

Nang busisiin ay dito na napag-alaman na peke ang kanilang immigration stamps. RNT/JGC