DOJ sa BuCor: Komunsulta muna sa DOJ, LGUs bago magsara ng daan

DOJ sa BuCor: Komunsulta muna sa DOJ, LGUs bago magsara ng daan

December 5, 2021 @ 3:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Pinayuhan ang Bureau of Corrections (BuCor) na komunsulta muna sa Department of Justice (DOJ) at sa local government units (LGUs) bago magpatupad ng road closures sa loob ng mga compounds ng mga prison facilities.

“As mother agency, we reminded them that it’s important to consult with us for guidance on policy matters, and to show courtesy to the LGUs which have political jurisdiction over the BuCor properties,” pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo I. Guevarra nitong Linggo.

Nasa ilalim ng DOJ ang BuCor.

“We discussed these matters during our meeting with the BuCor last Nov 29,” kwento ni Guevarra.

Pinag-usapan sa naturang pagpupulong ang pagsasara ng daan sa loob ng compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Inireklamo naman ito ng mga apektadong residente. Matatandaan ding idineklara ng gobyerno ng Muntinlupa City si BuCor Director Gerald Q. Bantag na persona non grata. Iginiit din ng city government na magsasampa ito ng reklamo sa mga BuCor officials.

Sa pagpupulong noong Nobyembre 29, sinabi  ni Guevarra na  pumayag ang BuCor na muling buksan ang isinarang daan para sa mga residente.

“The BuCor, after consultations with the DOJ, will remove the road block off the Katarungan Villages as soon as a control gate, which was the original plan, has been put up,” aniya.

Patuloy pa niya, “DG Bantag has respectfully requested the Sangguniang Lungsod ng Muntinlupa to reconsider its resolution declaring him persona non grata.” RNT/SA