DOJ sa hirit ni De Lima na magrekord ng pagkampanya sa kulungan: Korte na bahala

DOJ sa hirit ni De Lima na magrekord ng pagkampanya sa kulungan: Korte na bahala

December 13, 2021 @ 10:15 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – “Let the court decide.”

Ito ang komento ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra, Linggo, sa hirit ni Sen. Leila M. De Lima na mag-rekord ng campaign materials sa loob ng kulungan para sa kanyang pangangampanya sa 2022 national at local elections.

Ani Guevarra, ginagawa lahat ng Department of Justice (DOJ) prosecutors para kontrahin ang hirit ni De Lima.

“The prosecutors of the DOJ discharge their duty professionally and without regard to the status of the accused,” he said.

“Let’s now leave it to the court to rule on the issue. We trust that the court will apply existing rules concerning persons under detention fairly and uniformly,” aniya pa.

Matatandaang mayroong pending non-bailable criminal cases si De Lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa hirit ni De Lima sa RTC, hinihiling niya na payagan na makakuha ng litrato at bidyo sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City mula Disyembre 27 hanggang 30 para sa kanyang pangangampanya.

Pero sinabi ni De Lima na pinipigilan ng DOJ prosecutors ang kanyang kahilingan ay pinagbibintangan siyang nanghihingi ng “special treatment and that the fact of my being charged already sets me below the standards reserved by society for upright citizens.”

Iginiit niya na ayon sa batas, pwede siyang tumakbo sa Halalan 2022, at walang batas na pumipigil sa kanyang kampanya.

“This is the height of prosecutorial persecution being perpetrated by the DOJ Panel of Prosecutors. I am already at a disadvantage as it is, campaigning from jail due to the fake charges and evidence fabricated by the DOJ, only to be further prevented from recording materials for my legitimate bid for re-election,” ani De Lima.

“I am not asking for freedom to campaign outside of prison. That the DOJ would oppose a simple request for the taking of campaign video and audio inside prison is plain proof of an unfair election practice being perpetrated by the government, especially now that Duterte is also vying for a senatorial post,” dagdag pa niya.

 “The prosecutors are just doing their routine job,” tugon naman ni Prosecutor General Benedicto A. Malcontento, pero iginiit niya rin na rerespetuhin nila “what the court would say.” RNT