DOJ sa Manila LGUs: Ordinansang maghihigpit sa mga ‘di bakunado ikasa

DOJ sa Manila LGUs: Ordinansang maghihigpit sa mga ‘di bakunado ikasa

January 4, 2022 @ 4:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Kailangang magpasa ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ng mga ordinansa na maghihigpit sa paglabas ng mga hindi bakunadong indibidwal, ayon kay Justice Secretary Menardo I. Guevarra nitong Martes.

Iginiit ito ni Guevarra matapos ianunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ipinasa ng Metro Manila Council nitong Linggo ang resolusyon na naghihigpit sa paggalaw ng mga hindi bakunadong residente.

“The LGUs comprising the Metro Manila Council must enact their respective ordinance further restricting the mobility of unvaccinated persons,” paliwanag ni Guevarra.

Binigyang-diin niya na “the MMDA resolution by itself is not legally effective.”

Dagdag pa ni Guevaraa, “Local legislative councils exercise police power delegated unto them by the Local Government Code which was enacted by the Congress. The delegated police power authorizes them to pass such ordinances as they shall deem to be for the welfare of their constituents.”

Aniya, ang korte ang magdedesisyon kung konstitusyonal ang mga ordinansa.

“Are these measures reasonably necessary and not unduly oppressive upon individuals? Are these repugnant to the constitution? This is a matter for the courts to determine,” sabi ni Guevarra.

“Unless judicially restrained, however, these public health measures may actually be executed and enforced,” patuloy niya. RNT/SA