DOJ wala pang natatanggap na impormasyon sa US sanctions vs Quiboloy

DOJ wala pang natatanggap na impormasyon sa US sanctions vs Quiboloy

December 12, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hanggang sa ngayon ay nakabitin pa rin sa ere ang magiging kapalaran ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na wala pa rin silang natatangap na pormal na impormasyon hinggil sa ipinataw na sanctions ng US Treasury Department laban kay Quiboloy.

Ipinaliwanag ni Remulla na mahabang proseso ang dadaanan ng kaso ni Quiboloy dahil kailangan pa magsampa ng kaukulang kaso ang Amerika.

Inuna lamang aniya ang pag-freeze ng assets ni Quiboloy.

Tiniyak ng kalihim na tatalima ang gobyerno ng Pilipinas sa extradition treaty nito sa US.

Nilinaw din ng Kalihim na ang ipinataw na sanctions ng US Treasury Department ay hiwalay pa sa kasong kriminal na kinalaharap ni Quiboloy sa US. Teresa Tavares