Doktor na Pinoy sa NY, arestado sa pekeng reseta

Doktor na Pinoy sa NY, arestado sa pekeng reseta

October 12, 2018 @ 7:20 AM 4 years ago


 

New York – Arestado ang siyam na medical professional, kabilang ang isang doktor na Pinoy, sa isinagawang major drug bust sa New York nitong Huwebes, ayon sa US police.

Kinilala ang Pinoy na doktor na si Dr. Dante Cubangbang, 50-anyos, ng Franklin Square na nagpapatakbo ng isang clinic sa Queens.

Ang alegasyon sa mga suspek, pinakakaitaan umano ng mga ito ang pagrereseta ng milyong milyong oxycodone pills, kabilang sa klase ng droga na kilala bilang opioid (narcotic) analgesics. Dumidiretso ito sa utak upang baguhin kung ano ang nararamdaman ng katawan at kung paano ito magre-respond sa sakit.

Si Cubangbang at ang nurse na si John Gargan ay nagreseta umano ng mahigit sa 6 milyong oxycodone pills sa mga indibidwal na alam nilang hindi kailangan ng gamot para sa anumang medical condition.

Nireresetahan umano ng mga suspek ang mga pasyente ng “more than twice as many oxycodone pills that were paid for by Medicare and Medicaid than the next highest prescriber in New York state”.

Ayon sa mga opisyal,  nabuking nila ang naturang ‘prescriptions’ sa kanilang pagbisita sa opisina na nagtagal lamang ng ilang minuto kung saan wala man lang isinagawang physical examination.

Kasama ng dalawa pang nagtratrabaho sa clinic at mga ni-recruit na pasyente, nakalikom umano ang mga suspek ng mahigit $5 milyon sa lahat ng office visit fees na kanilang pinaghahatian.

Pinatawan sina Cubangbang, Gargan, Michael Kellerman, at Loren Piquant ng ‘one count of conspiracy to distribute controlled substances’ na may parusang aabot sa 20-taong pagkakakulong.

Bukod pa rito, sina Cubangbang, Gargan at Kellerman din ay kinasuhan ng ‘one count of conspiracy to commit health care fraud’, na may parusang 10-taong pagkakakulong at conspiracy to commit money laundering, na mayroon 20-taong pagkakakulong./Remate News Team