DOKTORA HELEN TAN, LODI NG MGA TAGA-QUEZON

DOKTORA HELEN TAN, LODI NG MGA TAGA-QUEZON

January 24, 2022 @ 6:10 AM 8 months ago


TILA patuloy na lumalakas ang suporta ng mga tao kay Quezon 4th District Representative Doktora Helen Tan e paano ba naman kasi, kaliwa’t kanan ang mga proyekto ng ale.

Ito ay mismo hindi maitatanggi na kahit ang mga taga-barangay na nagcha-chat o lumalapit sa kanya ukol sa ka-nilang mga problema ay inaaksyunan niya agad.

E, kamakailan nga raw, lumapit sa tanggapan ni Doktora Helen Tan si Kagawad Renan Ferrer ng Brgy. Concepcion Palasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen.

Alam ninyo ba ang ginawa ni Doktora Tan?

Aba’y mabilis ang naging aksyon ni Doktora Helen dahil agad itong napagkalooban ng kailangang tulong.

O mayroon ba kayong ganyang lingkod bayan, oh..ah..oh..ah???

Bukod pa riyan ay nagpadala rin kamakailan si Doktora Helen ng dalawang sets ng computers sa pulisya ng bayan ng Calauag.

Siguro alam n’yo naman, na kailangan na kailangan ng mga alagad ng batas sa kanilang trabaho ang computer.

Kaya isang malaking tulong ito para sa kanila.

Alam ninyo naman na hindi lang kay “The Gov Doctor” Helen nagpasalamat ang mga miyembro ng Calauag PNP kundi maging kay Atorni Mike Tan.

Heto ang maganda diyan maging ang tulay na mag-uugnay sa ilang barangay sa Calauag ay sinisimulan na.

Naging dahilan ito para humanga pa lalo kay Doktora Helen ang maraming kapwa niya public servants.

Sabi nga, serbisyong tunay at natural ang dala ng kongresista.

Oki duki Dok talaga si Dra. Gov. Helen Tan sino pa ang maglalakas loob na babangga sa kanya!

Aber?

Si Doktora Helen Tan ay tumatakbo ngayon sa pagka-gobernadora ng Quezon.

Alam ninyo ba ang tulay daw na ipinagagawa, ni Doktora Helen, ay para sa mga nakatira sa Barangay Tiniguiban, Brgy. Tamis, Brgy. Sinag at Brgy. Dapap.

Hindi ba nakabibilib po dahil alam talaga nina Doktora Helen at Atorni Mike na ang maayos na daan ay susi sa kani-lang masaganang kabuhayan.

Ganyan ang mga proyektong napapanahon at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Quezon.

Samantala, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang Republic Act No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act” kung saan si Doktora Helen Tan ang principal author.

Kung hindi ako nagkakamali, sa pamamagitan ng nasabing batas, magtatatag ng National Authority for Child Care na magiging isang attached-agency ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon pa kay Doktora Helen Tan na layunin ng batas na ito na magkaroon ng isang ahensya na nakatutok sa maayos, mabilis, at tamang proseso ng pag-aampon.

Aniya pa kay Doktora Helen isa sa mga layunin niya bilang may akda ng batas ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga nais at kuwalipikadong mag-ampon ng mas mabilis na proseso at dumaan sa pagsusuri ng ating mga eksperto.

Naku po kaya naman saludo ang mga taga-Quezon kay, Doktora Helen “The Gov Doctor” Tan.

Mabuhay kayo at God bless you po!

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764 o 09266719269 o i-email sa [email protected]