Dokumento sa COVID vax pwede ipakita ng DOH sa COA – Vergeire

Dokumento sa COVID vax pwede ipakita ng DOH sa COA – Vergeire

December 4, 2022 @ 3:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinahihintulutan ang Department of Health (DOH) na magbigay sa Commission on Audit ng mga dokumento na may kaugnayan sa pagkuha ng mga bakuna para sa COVID-19, gaya ng nakasaad sa non-disclosure agreements (NDA) sa mga supplier, ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ang mga NDA na ito ay kinabibilangan ng exemption na nagsasaad na kung ito ay kinakailangan ng batas, kung ito ay kinakailangan dahil sa isang proseso para sa pag-audit o pagsisiyasat, ay maari nang magbahagi ang DOH

Taliwas naman ito sa naging kalatas ni dating Health Secretary Francisco Duque III sa state auditors na ang DOH ay hindi makapagbigay ng dokumento dahil sa nilagdaan ng NDA SA mga supplier, ayon kay COA chairman Gamaliel Cordoba.

Nagbabala si Cordoba na ang COA
ay maaaring maglabas ng notice of suspension at dumaan sa proseso ng notice of disallowance kasama na ang pag-isyu ng subpoena sa DOH, kung hindi nila ilalabas ang mga dokumento.

Kaugnay ito sa special audit na hiniling ng World Bank (WB) at ng Asian Development Bank (ADB) sa mga pautang na ipinagkaloob nila sa gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19—na kung saan nakatuon si Cordoba sa pagtiyak ng isang kumpletong pag-audit

Sinabi naman ng DOH na sila ang nagpadala ng sulat sa COA noong Setyembre para magsagawa ng special audit at pinili ang COA na auditing firm nito sa kasunduan.

“The best agency that we can tap so that we can have an accurate auditing process would be the COA,” sabi ni Vergeire.

Inulit din ni Vergeire ang pangako ng DOH na makipagtulungan sa proseso ng pag-audit at idiniin na tinitignan na ng kanilang mga legal expert ang usapin upang matiyak na walang lalabag sa NDA ng mga supplier ng bakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden