DoLaiNab, nag-reunion; sigaw ng netizens, nagplastikan?

DoLaiNab, nag-reunion; sigaw ng netizens, nagplastikan?

November 1, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nag-reunite nu’ng Halloween ang ‘trio’ na DoLaiNab! Ang DoLaiNab ay binubuo nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake.

Ito ay nangyari matapos ang kaliwa’t kanang pambabatikos na natanggap ni Zeinab dahil sa backstabbing diumano na ginawa niya sa mga kaibigan.

Pero what’s important, eh, they were reunited this Halloween!

Makikita sa photos posted by Donna that they dressed up as “The Powerpuff Girls” for their Halloween collaboration!

Kasama si Bia ha, Zeinab’s daughter, dressed as the villain Mojo Jojo!

Iba’t-ibang komento naman ang natanggap nila from the netizens.

May mga natuwa dahil it’s been a while simula nang huling may ganap ang tatlo together.

Pero may ilan pa ring hindi maka-move on sa naging issue ni Zeinab. Komento pa nga ng iba, “Plastikan muna ngayong Halloween!”

Hmmm. Mukhang wala namang away na namuo sa pagitan ng tatlo lalo’t hindi naman nagbigay ng pahayag sina Jelai at Donna.

So, move on na guys? Paula Jonabelle Ignacio