DOLE chief Laguesma sapul sa COVID

DOLE chief Laguesma sapul sa COVID

October 14, 2022 @ 5:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinamaan ng COVID-19 si Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma.

Ito ang kanyang inihayag nitong Biyernes, Oktubre 14 kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed P25.899-bilyon budget para sa 2023 ng DOLE.

“Gaya po ng inyong nabanggit, Majority Floor Leader Senator Joel (Villanueva), sa kasamaang palad po hanggang kahapon po ng hapon ay positibo pa rin po ang resulta ng aking RT-PCR,” ani Laguesma na dumalo sa pagdinig sa pamamagitan lamang ng online platform.

Humingi naman ng tawad ang kalihim sa mga senador sa hindi pagdalo ng pisikal, sa halip ay inatasan na lamang niya si Labor Undersecretary Benjo Benavides na humarap sa pagdinig.

Nagpaabot naman ng panalangin sa paggaling si Villanueca. RNT/JGC