DOLE handang tumulong sa displaced workers sa ilalim ng Alert Level 3

DOLE handang tumulong sa displaced workers sa ilalim ng Alert Level 3

January 3, 2022 @ 6:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Handang magbigay ng Department of Labor and Employment ng tulong sa eligible workers na nawalan ng trabaho sa pagbabalik sa Alert Level 3 ng National Capital Region, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Tutulungan ang formal workers sa pamamagitan ng COVID-19 Adjustment Measures Program na may one-time cash aid na P5,000, base kay Bello. Maaari naman itong makuha ng displaced workers mula sa kanilang employers.

“Ang magbibigay ng pangalan ay ang mga employers. Ibibigay ang mga pangalan nila sa DOLE, after that ibibigay ang sweldo or cash assistance sa kanilang employer, at sila ang magbibigay. They can do that, or we can send it immediately,” ani Bello.

Sa kasalukuyan umano, kaunting employers pa lamang ang nag-apply para sa financial aid para sa kanilang mga manggagawa.

Samantala, tutulungan naman ang informal workers sa emergency employment o cash for work program, batay sa DOLE.

Base kay Bello, sa kasalukuyan, kayang magbigay ng trabaho ng ahensya sa halos 30,000 hanggang 40,000 apektadong manggagawa sa 100,000 pagtataya ng Trade Department. RNT/SA