DOLE maglalabas ng panuntunan sa 13th-month pay

DOLE maglalabas ng panuntunan sa 13th-month pay

October 29, 2022 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment nitong Biyernes, Oktubre 28 na maglalabas sila ng panuntunan tungkol sa pagbibigay ng 13th-month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor.

“We will release a labor advisory to guide our employers in the payment of the 13th-month pay this year, for 2022. At the same time, we are also contacting our employers’ organizations for the correct payment of the 13th-month pay,” ayon kay Alvin Curada, direktor ng Bureau of Working Conditions (BWC) ng DOLE sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Curada, ang komputasyon sa 13th-month pay ay nakabatay sa lahat ng basic salary na natanggap ng empleyado mula noong Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng taong kasalukuyan.

“It will be divided by 12. The total is the 13th-month pay. This is 1/12 of the total basic salary earned by the employee in one calendar year or this year,“ paliwanag niya.

Matatandaan na sa ilalim ng Presidential Decree 851, na pinirmahan ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1975, ay makatatanggap ng 13th-month pay ng hindi tatagal sa Disyembre 24 kada taon ang isang empleyado.

Maaari din na matanggap ito sa dalawang bahagi, ang una ay ibibigay tuwing Mayo at ang isa naman ay bago mag-Pasko.

“But the rule is, the employee has to have his/her 13th-month pay not later than December 24 every year,” aniya.

Sakop din nito ang lahat ng rank-and-file employees ng pribadong kompanya na nakapagtrabaho ng halos isang buwan sa loob ng calendar year. RNT/JGC