DOLE, may 10-day employment sa mga biktima ng Bulkang Taal

DOLE, may 10-day employment sa mga biktima ng Bulkang Taal

March 30, 2022 @ 2:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ang Department of Labor and Employment ng emergency jobs sa mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal noong nakaraang linggo.

Tinatayang 1,006 pamilya o 3,649 indibiduwal ang apektado ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga residente ay makatatanggap na P4,000 para sa 10 araw na pagta-trabaho, na aniya ay daily minimum wage sa Calabarzon.

“Ang immediate response ng DOLE (Department of Labor and Employment) ay ‘yung bibigyan sila ng trabaho for 10 days and then give them a salary based on a minimum wage on that region,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules.

Naglaan din ang departamento ng hanggang P100 million na government assistance kapag mas maraming pamilya ang na-displaced dahil sa kalamidad.

“We are prepared just in case dadami pa ang mga affected dito sa pag-alboroto ni Taal . We are prepared and I’ve instructed our finance officer to make ready and available P50 to P100 million,” ayon sa kalihim.

Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkan, na nasa Lawa ng Taal sa Batangas ay nagkaroon ng phreatomagmatic eruption, araw ng Sabado, nagbuga ng makapal na usok at abo ilang daang metro sa kalangitan.

Dahil dito, sinabihan naman ang mga residente na nakatira sa palibot ng lawa na lisanin ang kani-kanilang mga tahanan. Kris Jose