DOLE nagbabala vs pekeng ‘Guidelines for Recruitment of Non-Vaccinated Applicants’

DOLE nagbabala vs pekeng ‘Guidelines for Recruitment of Non-Vaccinated Applicants’

January 18, 2022 @ 3:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE)  ang publiko  sa mga huwad na  “Guidelines for Recruitment of Non-Vaccinated Applicants”  na natuklasang kumakalat sa mga nakaraang araw.

Ginagamit ng pekeng dokumento ang mga pangalan ng nakapirma at Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles.

Sa inilabas na pahayag ni Labor secretary Silvestre Bello III, ang Department of Labor and Employment and the COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases  ay hindi kailanman naglabas ng ganitong mga alituntunin.

Nagbabala si Bello sa mga employer na scam ito.

Ayon sa DOLE, tinutunton  na ng mga awtoridad ang mga nasa likod ng panloloko para sa tahasang paglabag sa mga batas ng Pilipinas at pambibiktima sa mga manggagawa lalo na sa panahon ng pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden