DOLE naghahanap ng vaccination data encoders – DILG

DOLE naghahanap ng vaccination data encoders – DILG

November 17, 2021 @ 3:23 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines — Binuksan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang naghahanap ng encoders na sosolusyon sa COVID-19 vaccination data backlog, ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya.

“So, nakipag-ugnayan po tayo sa Department of Labor and Employment at ang maganda naman pong balita ay binuksan po ng DOLE ang kanilang government internship program para po makapag-hire tayo ng additional encoders,” lahad ni Malaya sa  Laging Handa briefing.

“So, for NCR (National Capital Region), mayroon po silang binuksang 100 slots na pwedeng i-hire na mga encoders na ia-assign natin sa iba’t ibang mga local government units na nangangailangan ng additional encoders.”

Nahaharap aniya ang gobyerno sa kakulangan ng encoder kasabay ng pagtaas ng arawang pagbabakuna laban sa COVID.

 “Ang problema po kasi natin sa encoding ng vaccination data is the problem of the sufficient number of encoders.”

 “Kasi nga po, habang tumataas po ‘yung ating vaccination, we need more encoders to be encoding the vaccination line list na pinapadala po sa DICT (Department of Information and Communications Technology) at sa DOH (Department of Health),” lahad pa ni Malaya.  RNT/FGDC