DOLE naglaan ng P118.5M ayuda sa Paeng victims sa Calabarzon

DOLE naglaan ng P118.5M ayuda sa Paeng victims sa Calabarzon

November 11, 2022 @ 6:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naglaan ng P118.5 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) Calabarzon para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Paeng.

Sinabi ni regional director Atty. Maria Karina Perida-Trayvilla sa public briefing na ilulunsad din ng DOLE ang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers (TUPAD) program.

Ayon kay Trayvilla, matutulongan ang 25,000 benepisyaryo kung saan 814,705 indibidwal o 203,571 pamilya na apektado ang makikinabang sa Calabarzon.

Aniya, inilunsad ng TUPAD program sa rehiyon noong Nobyembre 4.

Ayon pa dito, kumuha ang DOLE ng 122 coordinators na tutulong sa mga benipisyaryo. Jocelyn Tabangcura-Domenden