DOLE nagpaalala sa pay rules sa Undas

DOLE nagpaalala sa pay rules sa Undas

October 30, 2022 @ 9:28 AM 1 month ago


MANIAL, Philippines- Tanging ang mga empleyado na papasok sa trabaho sa long weekend holiday ang makakatanggap ng extra pay, ayon sa anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa labor advisory no.21, series of 2022, sinabi ni Labor department secretary Bienvenido Laguesma na epektibo ang ’no work, no pay’ policy sa mga special non-working days sa Oct.31, All Saints Day sa Nov.1 at All Souls Day sa Nov.2.

Sinabi ni Laguesma na ang labor advisory ay alinsunod sa Proclamation No. 79 na inisyu ni President Ferdinand Marcos, Jr. noong Oct. 18 kasama ang Proclamation No. 1236 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Oct. 29, 2021.

Nakasaad na walang bayad na nalalapat para sa Oct. 31 at Nov. 2 maliban kung may paborableng polisiya ang kumpanya o Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagbibigay ng bayad sa isang espesyal na holiday.

Gayunman, ang mga empleyado na papasok sa nasabing mga araw ay may karapatan na makakuha ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang pangunahing sahod.

“For work done during the special day that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid additional 50% of his/her basic wage on the first eight hour of work (Basic wage x 150%),“ saad sa labor advisory. Jocelyn Tabangcura-Domenden