DOLE nagpalabas ngP2.759M sahod sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa Negros

DOLE nagpalabas ngP2.759M sahod sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa Negros

November 19, 2022 @ 12:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng kabuuang P2.749 milyon na sahod para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa bayan ng E.B. Magalona, Negros Occidental.

Kabilang sa mga tatanggap ang 611 vulnerable workers na may mababang sweldo o may hindi sapat na kita na nakatanggap ng kabuuang P4,500 bawat isa para sa pagbibigay ng 10 araw na serbisyo sa komunidad.

Ang mga benepisyaryo ng TUPAD na nakatalagang magsagawa ng clean-up sa kani-kanilang mga barangay sa loob ng apat na oras bawat araw sa loob ng sampung araw ay nakatanggap ng arawang sahod na P450.

Binigyan din sila ng personal protective equipment, kabilang ang long sleeves shirt, buri hat at face masks. Jocelyn Tabangcura-Domenden