DOLE, PGH mangangasiwa sa Pampanga OFW Hospital

DOLE, PGH mangangasiwa sa Pampanga OFW Hospital

January 17, 2022 @ 2:47 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagtulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine General Hospital (PGH) para sa pangangasiwa ng San Fernando, Pampanga hospital na maglalaan ng clinical services sa overseas Filipino workers (OFWs).

Sa nilagdaang memorandum of understanding (MOU) ng DOLE at PGH sa ginagawang OFW Hospital, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang expertise ng PGH ay magdadagdag ng magandang serbisyo.

“In serving the health needs of our modern-day heroes, we need the champion in saving lives. Thank you PGH for helping us,” dagdag ni Bello.

Nakatakdang matapos sa Marso 22 ang ospital na may 100 na kama.

Magiging gabay rin ang PGH sa ospital sa pagkakaroon ng electronic medical record at hospital information system gayundin sa pagpaplano ng clinical service infrastructure layout.

Bukod sa PGH, nakaagapay rin ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR), Bloomberry Cultural Foundation Incorporated (BCFI), at Pampanga Provincial Government sa pag-unlad ng OFW Hospital. RNT/FGDC