DOLE, PGH nagtulungan sa kauna-unahang OFW hospital sa Pinas

DOLE, PGH nagtulungan sa kauna-unahang OFW hospital sa Pinas

January 16, 2022 @ 5:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE)  nakipagtulungan ito sa Philippine General Hospital (PGH) para sa pamamahala ng kauna-unahang nakalaang ospital sa bansa para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Sa isang pahayag, sinabi ng labor department  na lumagda ito ng memorandum of  understanding (MOU) sa PGH upang pangasiwaan ang ospital, na itinatayo sa San Fernando, Pampanga.

“I’m glad that the state’s leading research and medical center is supporting the OFW Hospital. With PGH on our side, what could possibly go wrong?” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa ilalim ng  MOU, tutulungan ng PGH ang mga OFW hospitals sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga klinikal at administrative personnel, pagpaplano at pagkuha ng mga kagamitan sa ospital, at pagbalangkas ng klinikal at fiscal process flow.

Gagabayan din ng PGH ang ospital sa paglikha ng “electronic medical record at hospital information system at pagpaplano ng layout ng imprastraktura kaugnay ng mga klinikal na serbisyo.”

Nakatakdang matapos ang 100-bed hospital building sa Marso ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden