DOLE sa employers: Walang exempted sa pagbibigay ng 13th month

DOLE sa employers: Walang exempted sa pagbibigay ng 13th month

December 2, 2022 @ 2:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang exempted sa pagbibigay ng 13th month pay ngayong December, ito ang binigyan diin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa isang press conference sa tanggapan ng DOLE nitong Biyernes, Disyembre 1.

Para sa mga kumpanya na hindi pa rin makapagbigay ng 13th month sa kanilang mga empleyado dahil sa ilang hamon dulot ng pandemya lalo na ang mga small at medium corporation ay mayroon umanong assistance o pautang ang DOLE.

Sinabi ng kalihim na hindi sapat ang mga dahilan na ito para hindi bigyan ng 13th month ang kanilang mga manggagawa dahil may mga paraan para maka-avail ng loan ng walang interest at collateral

Paliwanag ni Laguesma, maximum ng 40 manggagawa sa isang kumpanya ang maaring ma-loan dito.

Bagamat walang parusa para sa mga employer o kumpanya na hindi tatalima sa pagbibigay ng 13th month pay ngunit sila ay aatasan base sa isang batas na nagsasabi na kapag unjustifiable ang refusal ay maaring madoble ang halaga ng kanilang babayaran na benepisyo ng empleyado.

Sa ngayon aniya ay wala pang kumpanya na kumukuha ng suporta sa DOLE para sa 13th month pay ng kanilang manggagawa.

Isa sa maaring dahilan kaya hindi kumukuha ng loan ang employer kahit walang interes at collateral ay dahil ayaw ng mga ito na magsimula ang kanilang taon na may utang. Jocelyn Tabangcura-Domenden