DOLE Secretary, pinasisibak sa pwesto ng grupong Kilusang Pagbabago

DOLE Secretary, pinasisibak sa pwesto ng grupong Kilusang Pagbabago

July 16, 2018 @ 2:12 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nanawagan ang Kilusang Pagbabago National Movement for Change kay Labor Secretary Silvestre Bello III na payapa na lamang na lisanin ang kaniyang puwesto bago maisaliwalat ang kanilang katiwalian sa ahensya.

Sa ginanap na presscon, sinabi ni Secretary General Aly Dizon, may mga hawak silang mga matitibay na ebidensya kaugnay sa katiwalian sa DOLE.

Ayon pa kay Dizon, naghain na sila ng kaso sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban kay Bello sa paggamit ng kapangyarihan nito sa pagwawalang bahala sa reklamo ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) kanilang idinulog sa kanyang tanggapan.

Nabatid na dumulog sa tanggapan ng DOLE ang grupo upang ihingi ng tulong ang anak ng OFW na 8 buwang gulang na sanggol na naiwan sa bansang Alkobar, Saudi Arabia.

Sa halip aniya na tulungan ni Bello ang OFW ay sila pa ang napasama hanggang sa nauwi ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa i-ban ang OFW sa tanggapan ng DOLE.

Humarap sa isang Punong Balitaan sina Annie Dizon, Sec. General ng Kilusang Pagbabago National Movement for Change, kasama si Mam. Mercy, isang OFW na 19 taon nagtrabaho sa Saudi Arabia, upang hilingin sa Malacanang ang pagsibak kay DOLE Sec. Bebot Bello dahil umano sa pagsasawalang bahala nito na mapauwi ang naiwang 8 months old na sanggol ni aling Mercy sa Alkobar, Saudi Arabia. (Kuha ni Crismon Heramis)

Kuha ni Crismon Heramis

Kuha ni Crismon Heramis

Inilapit na rin ito ng grupo sa Malakanyang at umaasang kakatigan ng Malakanyang ang kanilang kahilingan na sibakin na sa pwesto si Secretary Bello bago pa nila isiwalat ang mga anomalya sa ahensya.

Hinamon din ni Dizon si Bello na magpa-lie detector test upang malaman kong sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)