Dolly de Leon, nominado sa Golden Globe!

Dolly de Leon, nominado sa Golden Globe!

December 14, 2022 @ 6:40 AM 2 months ago


Manila – Philippines — Wow! Ibang klase talaga ang Pinay actress na si Dolly de Leon dahil isa na namang international recognition ang kanyang nakuha para sa kanyang outstanding performance sa pelikulang “Triangle of Sadness.”

Nominated si Dolly bilang Best Supporting Actress sa 80th Golden Globe Awards na gaganapin sa Jan. 10, 2023 sa Beverly Hills, California.

Nominado rin for Best Supporting Actress sina Angela Bassett for “Black Panther: Wakanda Forever,” Kerry Condon for “The Banshees of Insherin,” Jamie Lee Curtis for “Everything Everywhere All At Once,” at si Carey Mulligan for “She Said.”

Kung matatandaan ay nagwagi si Dolly as best supporting actress sa 2022 Los Angeles Films Critics Association Awards. Na-nominate din siya sa 27th Satellite Awards.

Binigyang buhay ni Dolly ang role ni Abigail as a toilet manager ng isang luxurious yacht who found herself in position of power na na-stranded sa isang island kasama ang mga rich strangers. Joey Sarmiento