Dolomite Beach oks kay Mayor Isko na gawing vaccination site

Dolomite Beach oks kay Mayor Isko na gawing vaccination site

January 19, 2022 @ 6:20 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Aprib kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sakaling gawing karagdagang vaccination site ang Dolomite Beach sa Roxas Boulevard sa nasabing lungsod.

Ayon kay Domagoso, sakaling lumabas sa pag-aaral na maaaring gawin at ligtas ang mga indibidwal na magpapabakuna dito kabilang na ang mga menor de edad at nakatatanda ay hindi ito magdadalawang isip na idagdag ito sa isa sa kanilang mga vaccination sites.

Ang pahayag ni Domagoso ay matapos itong tanungin ng isang mamamahayag kung posibleng maging vaccination site ang Dolomite beach sa nasabing lugar kasabay ng isinagawang pagbubukas ng Manila Zoo ngayong araw kung saan maaari ding makapagpabakuna ang mga menor de edad na 12 anyos hanggang 17 anyos kasama ang kanilang magulang, guardian lalo na ang mga senior citizen para naman sa kanilang booster shot.

“Bakit hindi? Kung feasible bakit hindi, that’s a very good idea, why not? Safe ba sa mga tao, yun naman ang concern natin lagi e yung safety ng tao, kaya kung pumipili tayo ng lugar pansinin ninyo, secluded halos ang mga lugar, geographically feasible sa gagawing function doon sa particular na action plan,” ani Domagoso.

“Two heads are better than one. Ako nga kapag ganyang suggestion, I consider it okay yang idea ah then if it is feasible why not. Basta ako, in all honesty, lagi tayong maghahanap ng tunay na solusyon. Then after that mabilis ang aksyon,” dagdag pa ni Yorme.  JAY Reyes