Dolomite tuloy – bagong DENR sec

Dolomite tuloy – bagong DENR sec

February 26, 2022 @ 4:50 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni bagong Department of Environment and Natural Resources Secretary Jim Sapulna na hindi ititigil ang dolomite beach project sa ilalim ng kanyang termino.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ni Sapulna na ito ang dolomite beacha ay isang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nakikita na natin ang ganda ng Manila Bay. Siguro mga 500-600 meters na lang ng Manila Bay ang hindi pa nalalatag ng dolomite sand. Balak ko pong ipagpatuloy ang proyektong iyan dahil iyan ang ating pangako sa ating mahal na Pangulo,” anang kalihim.

Sinabi ni Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address na magpapatuloy ang gobyerno sa paglalagay ng dolomite beach, sa kabila ng mga alalahanin ng mga eksperto sa kapaligiran at kalusugan sa kaligtasan nito.

Pinalitan ni Sampulna si Roy Cimatu, na nagbitiw noong nakaraang linggo dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.

Magpapatuloy din ang mga proyektong rehabilitasyon sa Boracay beach, dagdag pa ni Sampulna, na patuloy na susuporta sa pagbabawal sa mga single-use plastics.

“We need some legislation for that (ban on single-use plastic). Bagama’t wala pang batas tungkol diyan, we are already advocating for it,” dagdag pa ni Sampulna.

Ipinagtanggol din niya ang hakbang na alisin ang apat na taong pagbabawal na itinakda ng administrasyon sa open-pit mining, at idinagdag na may mga nakatakdang hakbang sa batas na kumokontrol dito.

Sa puspusang kampanya sa halalan, hinimok niya ang publiko na huwag iboto ang mga kandidatong “naninira sa kapaligiran.”

“Dapat environment-friendly sila,” sabi ni Sampulna. RNT