Dolphy at Eddie Garcia, binigyang-pugay ng PPP4!

Dolphy at Eddie Garcia, binigyang-pugay ng PPP4!

October 29, 2020 @ 11:33 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman na si Liza Dino- Esguera, binigyang-pugay ang pitong yumaong showbiz icons sa pamamagitan ng Tribute Section sa Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4).

Ang nabanggit na pitong haligi ng pelikulang Pilipino ay ang Comedy King na si Dolphy, ang multi-awarded actor/director na si Eddie Garcia, ang award-winning veteran actress na si Anita Linda, ang actress/singer/producer na si Armida Siguion Reyna, ang veteran actress na si Mona Lisa, si Direk Marilou Diaz-Abaya, at si Direk Peque Gallaga.

Itatampok sa Tribute Section ng PPP4 ang ‘Captain Barbell’ (restored version) by Jose ‘Pepe’ Wenceslao (for Dolphy), ‘Deathrow’ by Joel Lamangan (for Eddie Garcia), ‘Adela’ by Adolfo Alix Jr. (for Anita Linda), ‘Filipinas’ by Joel Lamangan (for Armida Siguion-Reyna), ‘Insiang’ by Lino Brocka (for Mona Lisa), ‘Muro-Ami’ by Marilou Diaz-Abaya (for Marilou Diaz-Abaya), and ‘Sonata’ by Peque Gallaga and Lore Reyes (for Peque Gallaga).

Ang naturang mga pelikula ay kabilang sa humigit-kumulang 200 na mga pelikula na tampok sa PPP4 at mapapanood online sa FDCP channel.ph simula sa Oktubre 31.

Ayon pa kay chairman Liza, bukod sa pagtatampok sa kanilang mga pelikula, bibigyan din ng tribute at pagkilala ang pito sa isang programa na bahagi rin ng PPP4.

Samantala, ang PPP4 ay may subscription options gaya ng Premium Festival Pass (PHP 599) na magbibigay ng access sa lahat ng content, kasama ang Premium films at events.

Simula Oktubre 31, iaalok naman ng PPP4 ang Half Run Pass (PHP 299), Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films, public events, at iba pang libreng content).

Ang Persons With Disabilities (PWDs) at senior citizens ay makakakuha ng 20% discount at ang mga estudyante ay magkakaroon ng 30% discount. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...