Domeng mas tumindi; ganap nang tropical storm

Domeng mas tumindi; ganap nang tropical storm

July 1, 2022 @ 2:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mas tumindi pa ang bagyong Domeng na nitong Biyernes ay isa nang tropical storm at patuloy na magpapaulan sa bahagi ng Luzon, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Namataan si Domeng 940 kilometers east ng Northern Luzon kaninang alas-10 ng umaga. Mayroon itong maximum sustained winds na 65 kilometers per hour at hanggang 80 kph gusts, batay pa sa weather bulletin ng PAGASA.

Inilahad ng weather agency na si Domeng at isa pang bagyo sa labas ng Philippine area, na dating kilala bilang Caloy, ay mas magpapalakas sa habagat.

Magdudulot ito ng mahinang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon sa susunod na 24 oras, sabi ng PAGASA. 

Hindi naman nagtaas ang ahensya ng tropical cyclone wind signal para sa bagyong Domeng. 

Inaasahang lalabas si Domeng sa Philippine areasa Sabado. RNT/SA