Dominic at Bea, aamin na sa tunay na relasyon!

Dominic at Bea, aamin na sa tunay na relasyon!

July 12, 2021 @ 6:12 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sa darating na July 20 ay ipagdiriwang ni Dominic Roque ang kanyang 31st birthday.

Sa araw na ito raw nakatakdang isapubliko nina Dominic at Bea Alonzo ang kanilang relasyon.

Bagama’t hanggang ngayon ay wala pa silang pag-amin, obyus namang very much on na sila lalo pa’t sila ang magkasama sa loob ng isang buwan sa Amerika particularly in Los Angeles and San Francisco.

Obyus na wala silang kakilala roon para magsilbing photographer nila kaya salitan sina Bea at Dom sa pagkuha ng kani-kanilang mga larawan.

Nakakakilig ding panoorin ang vlog ni Dom kung saan hindi man kita ang kanilang mga mukha ay magka-holding hands sila habang naglalakad (or HHWW).

Lalo pang kikilig ang mga netizens nu’ng ipinaghihimay ni Bea ng lobster ang kanyang rumored boyfriend.

Away from the prying eyes of the public, kitang-kita kung gaano sila kakumportable with just being themselves. Ronnie Carrasco III