Dominic, ligwak sa Spain trip ni Bea, ‘di rin kasama sa kaarawan!

Dominic, ligwak sa Spain trip ni Bea, ‘di rin kasama sa kaarawan!

October 7, 2022 @ 9:57 AM 2 months ago


Manila, Philippines – By now ay nasa hayahay mood na tiyak si Bea Alonzo.

As we write this, may one or two tapings na lang siyang natitira at tapos na ang Start Up, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na first ever show niya sa GMA.

Masaya raw ang aktres sa kabila ng pagdududa na hindi niya kayang gampanan ang role bilang Dani.

On the contrary, nagsilbi pa nga raw hamon sa kanya ang pamba-bash to give her role a new flavor to it.

Bea needs to rest for a while dahil October 16 ang scheduled flight nilang pamilya patungong Spain.

Siyempre, nasa itinerarary ni Bea ang pagdalaw sa kanyang nabiling apartment sa Madrid, Spain’s capital.

Kinabukasan naman (October 17) ay kaarawan niya.

‘Yun nga lang, hindi for sure ganap na magiging masaya ang birthday ni Bea dahil balitang hindi kasama sa biyahe ang nobyong si Dominic Roque.

But who knows, they might be celebrating it ahead of time.

Bea says na mabuti na lang daw at pumayag ang GMA sa hiningi niyang month-long leave para makapag-recharge.

Sa kanyang pagbabalik kasi sa bansa by November ay trabaho ang sasalubong sa kanya, isa na rito ang sa GMA na ayaw pa munang idetalye. Ronnie Carrasco III