Don Pepot, namatay sa COVID-19; lamay, bukas sa publiko! 

Don Pepot, namatay sa COVID-19; lamay, bukas sa publiko! 

January 20, 2022 @ 4:44 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Sumakabilang buhay  na ang beteranong comedian na si Ernesto “Don Pepot” Fajardo, 88 years old.

Ayon sa socmed post ng kanyang anak na si Michael ay pumanaw daw si Don Pepot nu’ng gabi ng Martes sanhi ng acute respiratory failure dahil na rin sa critical case ng COVID-19.

Ang labi ng yumaong komedyante ay puwedeng masilip ng publiko sa January 22,  Sabado, sa  Solennelle Funeral Homes, Valenzuela City.

1960 nang nagsimula ang career ni Don Pepot at nakasama niya ang mga sikat na aktor gaya ng Hari ng Komedya, ang nanayapa na ring si Rodolfo “Dolphy” Quizon.

Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), lumabas sa pelikula si Don Pepot in over a hundred films during his active years. Ang huling pelikula ni Don Pepot ay nu’ng 2012, “Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Si Ako.” Joey Sarmiento