Donaire babawi kay Inoue

Donaire babawi kay Inoue

April 17, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng world bantamweight champion na si Nonito Donaire Jr. na wala siya sa 100 percent na kundisyon ng maglaban sila ni Naoya Inoue noong 2019.

Ito umano ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay mas malaki ang tsansa niyang talunin ang “Monster” mula sa Japan sa muli nilang pagkikita sa Hunyo.

“Siguro from the way I am now, siguro 50% lang (lang ako noon),” ani Donaire.

“Because ‘yung lakas ko hindi talaga nakita, because during the training camp, ang pina-practice ko palagi ‘yung speed. But I never really sat down on my punches. And nakita natin na iba ‘yung gloves na ginamit ko doon, kasi nasira ‘yung gloves on the shipping.”

Ang maaksyong laban na iyon ay pinarangalan bilang isa sa pinakamagagandang laban ng taong iyon.

Itinulak ni Donaire si Inoue sa bingit, na nasira ang eye socket ng Japanese bago siya natumba patungo sa isang unanimous decision.

“Kaya lahat lahat doon naniniwala ako na wala ako sa full capacity na lumaban. Hindi ako with my full power, not with my full speed, not with my full mentality,” wina ng Pinoy fighter.

Makakalaban muli ni Donaire si Inoue sa Hunyo 7 sa Saitama. Nakatakay ang hawak ni Inoue WBA at IBF titles at ang WBC belt ni Donaire sa laban.

Sinabi ni Donaire na ang pagkakaroon ng tamang pag-iisip ay magiging mahalaga sa kanyang rematch.

“Sa laban ko Inoue dati, wala akong mentality doon. Except for the fight mentality, wala ’yung champion mentality,” banat nito. “Kung sino ’yung Nonito Donaire na choice ko na kung sino ang makikita mo, iyon ang makikita mo sa loob ng ring.

“Kung believe ko 21 years old ako, that’s how I’m gonna fight. ’Pag inisip ko ng 40 years, 50 years na’ko then that’s how I’m gonna fight. Kung anuman ang salita sa isip that becomes you.”

Muling nabuhay si Donaire bilang bantamweight dahil sa laban kontra Inoue.

Kasunod ng kanyang pagkatalo sa Japanese champion, pinatumba ni Donaire si Nordine Oubaali para sa WBC bantamweight title. Matagumpay niyang naidepensa ang korona sa pamamagitan ng pagpigil sa kapwa Pilipinong si Reymart Gaballo.JC