Donaire, Casimero target ni Inoue sa 2022

Donaire, Casimero target ni Inoue sa 2022

December 15, 2021 @ 1:04 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Matagumpay na naidepensa ni Japanese unbeaten “Monster” Naoya Inoue ang kanyang hawak na WBA at IBF bantamweight titles matapos i-knockout sa round 8 si Thai challenger Aran Dipaen sa Tokyo.

Nagsagupa sa Ryogoku Kokugikan –- ang tahanan ng mga sumo – pinagod ni Inoue si Dipaen gamit ang serye ng malalakas  na suntok bago ito tapusin gamit ang malupit na left punches.

Ang laban, una ni Inoue sa Japan sa loob ng dalawang taon, ay isa umanong stepping stone para matulo ang matagal nang ikinakasawang unification bout ng apat na  bantamweight belts sa susunod na  taon.

Ayon sa ulat, medyo nahirapan ang 28-year-old na si Inoue kay Dipaen dahil hindi tumalab ang kanyang body blows.

“He used to be a Muay Thai fighter and he brought that toughness,” ayon kay Inoue kay Dipaen na pumunta sa laban na may 12-2 record.

“I started to wonder whether my punches were having an effect — that’s how tough he was.”

Dahil sa panalo, umagat ang record ni Inoue sa 22-0, 19 via knockout.

Ayon kay Inoue target niyang makalaban kahit sino kina WBA champion Nonito Donaire Jr. at WBO title-holder John Riel Casimero sa susunod na taon.Rico Navarro