Donaire na-KO ni Inoue sa R2

Donaire na-KO ni Inoue sa R2

June 7, 2022 @ 8:41 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na pinatagal ng bagong WBA, WBC at IBF bantamweight champion na si Japanese fighter Naoya “The Monster” Inoue ang laban at tinapos ito  sa loob lamang ng 2 rounds sa paghaharap nila ni Filipino champ Nonito Donaire para sa unification match na ginanap sa Saitama, Japan.

Sa unang round pa lang ay pinatikim na ni Inoue kay Donaire ang kanyang bagsik at bago matapos ang round ay pinabagsak niya ang Pinoy gamit ang right hook na tumama sa panga ng Pinoy.

Nakalusot sa round ang Pinoy at na-save siya ng bell bago pa magpakawala ng pamatay na suntok ang 29-year-old na undefeated na Japanese fighter.

Sa 2nd round, medyo bumabato ng jab si Donaire at sumubok kumana ng ilang kumbinasyon pero naaamoy na ni Inoue na hindi pa nakakarecover ang Pinoy kaya binigyan niya ito ng left and right na suntok at jabs dahilan para magpa-ekis ekis ang galaw nito sa ring.

Makikita sa background na sumisigaw ang asawa ni Donaire na si Rachel  na mag-ingat siya at itaas ang gloves para dumepensa pero hindi na ito narinig ng The Filipino Flash dahil dinaluhong na siya ni Inoue dahilan para matapos ang laban via knockout.

Ayon sa mga fans, inasahan nilang magreretiro na ang 39-year-old na si Donaire sa pagboboksing lalo pa at kitang kita na kinakapos na ito sa laban dahil sa edad nito at hindi na kayang tiisin ng kanyang katawan ang malalakas na suntok kumpara noong kanyang prime.

Sinabi naman ng kampo ni Inoue na susubukan nilang maging undisputed champion sa batamweight division at hahabulin nila si Paul Butler na may hawak naman ng WBO bantamweight belt.RICO NAVARRO