Donaire tagilid kay Gaballo

Donaire tagilid kay Gaballo

October 14, 2021 @ 8:33 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Naniniwala ang fans na mahihirapan si Filipino boxing champion Nonito Donaire Jr sa laban nito kontra sa kababayang si Raymart Gaballo sa Disyembre.

Ayon sa mga fan, maaaring ang pagsagupa ni Donaire kontra kay Gaballo ang magiging huling laban nito at tuluyan na itong magreretiro kung matatalo ito sa laban konta sa mas batang si Gaballo.

Matatandang ipinag-utos ng WBC na harapin ni Donaire ang mandatory challenger at interim champion na si Gaballo na native ng Polomok, Mindanao.

Itinakda ang petsa ng laban sa Disyembre 11 pero hindi pa umano pinal ang napiling petsa hangga’t hindi pa napipirmahan ang kontrata.

Noong nakaraang Disyembre kasi ay nakansela ang laban ng tinaguriang “The Filipino Flash” kay WBC champion Nordine Oubaali dahil sa COVID-19 testing issue.

Nabigo ring matuloy ang laban nito kontra kay John Riel Casimero matapos ang argumento sa drut testing at “word war” ng magkabilang kampo.Rico Navarro


  •  
  •  
  •