Donaire vs Inoue II, niluluto na

Donaire vs Inoue II, niluluto na

December 13, 2021 @ 8:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pinag-uusapan na umano ang posibilidad na muling magharap sa ibabaw ng ring sa isang rematch sina Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr  at Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.

Umunit ang rematch sa pagitan nina Donaire at Inoue matapos maidepensa   ng tinaguriang The Filipino Flash ang kanyang hawak na titulo sa pamamagitan ng knockout kontra sa kapwa nito Pinoy na si Reymart Gaballo.

Nitong Linggo, pinabagsak ni Donaire si Gaballo sa loob ng apat na round para malasap nito ang kanyang kauna-unahang pagkatalo.

Agad naman bumuhos ang pagbati mula sa boxing fans at kapw nito boxer nang talunin ng matagumpay na maidepensa ni Donaire ang kanyang titulo.

Inamin ng ng 39-anyos na si Donaire na napag-aralan nilang mabuti ang weakness ni Gaballo kaya tinarget nito ang kanyang katawan.

Magugunitang itinuturing ang laban ni Donaire kay Inoue bilang 2019 fight of the year kung saan natalo ang Pinoy sa kanilang sagupaan.Rico Navarro