Donaire vs Inoue, ikinakasa na

Donaire vs Inoue, ikinakasa na

January 19, 2022 @ 11:48 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Probellum CEO Richard Schaefer na kinakausap na nila si Japanese promoter Akihiko Honda para sa rematch nina WBC world bantamweight champion Nonito Donaire Jr. at WBA at IBF world bantamweight champion Naoya Inoue.

“Ito ay talagang isang laban na gusto naming gawin at gusto rin ni Nonito na maikasa ito. Wala kaming problema sa pagpunta sa Japan. Matapang si Donaire at lalaban ito kahit sa teritoryo ni Inoue sa Japan. Isa ito sa pinakamalaking laban na maaari mong gawin sa sport,” ayon kay Schaefer.

“I can’t speak on behalf of Inoue, but I know that’s the fight he wants as well. I’ve always believed that when there is a big fight to be made, you make it – and this is a big fight. I am going to exhaust every resource and will not leave any stone unturned to pull off this fight.”

Nagsagupa sina Inoue at Donaire noong 2019 kung saan nanalo ang Japanese superstar sa pamamagitan ng unanimous decision pagkatapos ng labindalawang hard-fight rounds. Ito ay isang dikdikang laban mula simula hanggang huli na itinuring na 2019 fight of the year.

Nakabangon ang 39-anyos na si Donaire mula sa pagkatalo noong 2019 nang talunin si Nordine Oubaali para makuha ang korona ng WBC na matagumpay niyang naidepensa laban sa kapwa Pinoy na si Reymart Gaballo sa pamamagitan ng knockout noong Disyembre.

Paulit ulit na inihayag ni Donaire ang naisin na muling muling makalaban si Inoue upang maging undisputed 118-pound division champion.

“Ito ang gusto ni Nonito at ng fight fans. Tayo bilang isang isport ay kailangang maihatid ito. Naniniwala ako na magagawa natin ito, “sabi ni Schaefer.JC