Donaire vs Oubaali inaabangan na ngayong araw

Donaire vs Oubaali inaabangan na ngayong araw

May 30, 2021 @ 9:16 AM 2 years ago


MANILA, Philippines — Inaabangan na ang sagupaan ngayong araw nina four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire at reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nordine Oubaali sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Ayon kay Donaire, target niyang tapusin ng maaga ang laban kontra kay Oubaali.

Sinabi ni Donaire na lalaban siya na patay kung patay o  parang wala ng bukas kontra kay Oubaali upang muling magningning ang kanyang pangalan sa mundo ng boksing.

Target umano ng Pinoy champ na makuha ang panalo sa pamamagitan ng impresibong knockout win.

“We are ready to give a great fight and show that I am better than Oubaali. Without a doubt I be­lieve that I am capable of k­nocking him out,” ani Donaire.

Aminado si Donaire na atat na siyang muling sumagupa sa ring matapos maunsiyame ang una niyang mga laban dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Donaire na hindi na lalampas sa anim na round ang kanyang laban at mapapataob nito si Oubaali. Rico Navarro