Donaire wagi via knockout vs Gaballo

Donaire wagi via knockout vs Gaballo

December 12, 2021 @ 3:02 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hindi na pinatagal ni Filipino Flash Nonito Donaire ang laban kontra sa kapwa Pinoy na challenger na si Reymart Gaballo at tinapos via knockout ang  kanilang WBC bantamweight showdown sa Carson, California.

Gamit ang solidong left hook, tinamaan ng 39-year-old champion sa bahagi ng  liver si Gaballo dahilan para bumagsak ito sa tiyempong 2:59 sa 4th round.

Sinubukan pa ni Gaballo na tumayo para muling lumaban subalit hindi na niya kinaya ang sakit na nararamdaman mula sa matindi at malakidlat sa bilis na bigwas ni Donaire.

Dahil sa panalo, inaasahang makakaharap ni Donaire si  Naoya Inoue  na isa sa labang inaabangan ng mundo.

Naniniwala si Donaire na kaya niyang talunin ang pambato ng Japan sakaling maikasa ang kanilang sagupaan.Rico Navarro