Donasyon na Moderna, AstraZeneca vax darating sa Hunyo — envoy to US

Donasyon na Moderna, AstraZeneca vax darating sa Hunyo — envoy to US

May 28, 2021 @ 6:00 PM 2 years ago


Manila, Philippines — Inaasahang lalapag sa bansa ang Moderna at AstraZeneca vaccines na donasyon ng Estados Unidos sa Hunyo, batay kay Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez sa isang panayam.

“The White House informed me that the Philippines will be included in the [countries receiving the stockpiled vaccines] and it will be delivered even earlier so maybe this June,” saad ni Romualdez.

Hindi pa aniya sigurado kung ilang bakuna ang darating sa bansa.

Naunang sinabi ng US Embassy in the Philippines na isa sa bawat limang Filipino ang makatatanggap ng bakuna mula sa COVAX facility. RNT/FGDC