Donavan Michell lumundag sa Cavs

Donavan Michell lumundag sa Cavs

September 2, 2022 @ 12:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinuha ng Cleveland Cavaliers si guard Donovan Mitchell mula sa Utah Jazz kapalit ng tatlong manlalaro at tatlong first-round draft pick.

Ipinalit  sina guard Collin Sexton, forward Lauri Markkanen at rookie guard Ochai Agbaji  na maglalaro na ngayon sa Jazz para sa 2022-23 season.

Bukod sa tatlong manlalaro, makakatanggap din ang Utah ng tatlong unprotected first-round draft choices at dalawang pick swaps.

Ang pag-trade kay Mitchell, isang three-time All-Star, ay nangangahulugan ng isang full-on rebuilding project para sa Jazz dahil hindi nila naabot ang Western Conference finals nitong mga nakaraang season kasama sina Mitchell at star center Rudy Gobert sa roster.

Ipinagpalit ng Jazz si Gobert sa Minnesota Timberwolves sa offseason.