Donekla tandem, magbabalik na; Super Tekla, nakabuntis ulit?

Donekla tandem, magbabalik na; Super Tekla, nakabuntis ulit?

July 13, 2022 @ 8:12 PM 1 month ago


Manila, Philippines – All’s well that ends well na sa pagitan nina Super Tekla at Donita Nose.

Sa katunayan, magbabalik na ang Donekla tandem via their vlogs na tinangkilik ng marami.

Matatandaang si Donita ang nagdesisyong kumalas sa kanilang collaboration this year pointing to Super Tekla’s disinterest.

Idagdag pa ang katamaran nitong mag-isip ng content o lalamanin ng kanilang mga vlog.

Si Donita raw ang panay na nag-iisip kung ano ang ihahain nilang content samantalang prenteng-prente lang daw si Super Tekla.

For her part, inamin naman ni Super Tekla na siya ang may diperensiya.

Marami raw kasi siyang personal na problema.

Ramdam daw ni Donita na nanumbalik na raw ang interes ni Super Tekla sa pagba-vlog kaya anytime soon ay mapapanood na uli ang collab nila.

Kay Super Tekla na raw nanggaling na interesado siyang muli, bagay na hinihintay lang ni Donita.

Samantala, gaano katotoo na nabuntis uli ni Super Tekla ang dating kinakasama na si Michelle Banaag?

Hindi raw sila nagkabalikan, pero ang madalas na pagdalaw raw ni Super Tekla sa kanilang anak ang dahilan para mabuntis niya ito. Ronnie Carrasco III