Dongyan, susundan na ba si Zia?

Dongyan, susundan na ba si Zia?

June 21, 2018 @ 10:54 AM 4 years ago


Umamin si Primetime Queen Marian Rivera sa isang press conference na sinusubukan na nila ng kaniyang mister na si Primetime King Dingdong Dantes na sundan ang kanilang anak na si Zia.

“Hindi ko dine-deny na trying naman talaga kami. Sabi ko nga, since na nag-two years old na si Zia, itong mga panahong ito eh trying. Siguro good enough na ‘yung distance nila o space nila para puwede na uli kasi magti-three years old na si Zia eh,” sabi ni Marian noong Martes.

Gayunpaman, alam naman ng aktres na hindi naman nila kontrolado kung kailan matutupad ang kanilang planong magkaroon ng bagong baby.

Sabi pa ni Marian, “Ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking biyaya ‘yan na hindi mo puwedeng pigilan. At siyempre cue ni Lord ‘yan kung kailan Niya ibibigay sa’yo.”

Kamakailan ay nagtrending sa social media ang ginawang paggunita ng Dantes Family sa El Nido, Palawan kung saan inilarawan ito ni Marian na “masaya at puro pag-ibig.” (Remate News Team)